By: Droyd
Alam kong walang salitang tayo
Na bumubuo sa ikaw at ako
Pero nais ko lang malaman mo
Malaman mo ang halaga ko
Na kahit minsan hindi nagtanong
Nagtanong na kung anong meron tayo
Tayo na palaging naguusap oras oras
Oras na tinatanong mo lagi kung okay ba ako
Okay ba ako sa mga oras na to ?
Okay ba ako na ganito tayo?
Pero ngayon na ata ang pagkakataon
Pagkakataon na maitanong
Kung sino nga ba ko sayo ?
Sayo na walang ako
O ako na walang sayo
Naguguluhan nalilito
Ano bang sinasabi ko
Alam kong malabong magkaroon ng tayo
Dahil walang lebel ang relasyong ito
Ito na walang tayo
Tayo na parang hindi aabot hanggang dulo.
Na bumubuo sa ikaw at ako
Pero nais ko lang malaman mo
Malaman mo ang halaga ko
Na kahit minsan hindi nagtanong
Nagtanong na kung anong meron tayo
Tayo na palaging naguusap oras oras
Oras na tinatanong mo lagi kung okay ba ako
Okay ba ako sa mga oras na to ?
Okay ba ako na ganito tayo?
Pero ngayon na ata ang pagkakataon
Pagkakataon na maitanong
Kung sino nga ba ko sayo ?
Sayo na walang ako
O ako na walang sayo
Naguguluhan nalilito
Ano bang sinasabi ko
Alam kong malabong magkaroon ng tayo
Dahil walang lebel ang relasyong ito
Ito na walang tayo
Tayo na parang hindi aabot hanggang dulo.
Ijust want to share lang po
TumugonBurahin"Ito pala ang babaeng sinayang mo"
by:anch_dyosa
Di ba ikaw itong nang iwan?
Ikaw iyong naghanap sa aking pagkukulang
Ikaw din yong lumayo't lumisan
Bakit ngayon ikaw pa tong nahihirapan.
Simple lang naman ang hinihiling ko
Na sana tinanggap mo kung ano lang ako
Na sana ay natoto ka lamang makuntento.
Na sana inibig mo lang ako ng totoo.
Hindi ko sinasabi na ako ay ubod ng ganda
Pero lahat ng tao ay nanghinayang sa babaeng ito
Babaeng pinakawalan mo,pinagpalit mo
Kaya ngayon patawad pero hindi na ako babalik pa sayo.
Sa loob ng maraming taon na naging tayo
Naalala mo paba lahat ng pasakit na pinasan ko
Responsibilidad na pilit mong inatang sa pagkatao ko
Lahat ng iyon ginampanan ko.
Oo tanga na kung tanga at nagawa kitang tawanan sa ngayon
Ngunit ang pagsisisi mo ay kailan man hindi sasapat sa lahat ng luha
Pighati at pagdurusa na dinaanan ko ng ako ay binitawan mo.
Kaya maghirap ka kasi yan din ang nababagay sa iyo.
Dumating man ang araw na ako ay buo na sa ulit.
Ngunit di ko na nanaisin na ibigin ka muli.
Pagkat ang mahalin ka ay isang napakalaking pagkakamali
Na kailan man ay hindi ko na nanaisin pang maramdaman ng paulit ulit.
Kaya ito ako,nadurog man ay pilit bumabangon.
Pagmasdan mo na lamang ang sandali na ako ay isilang ng panibago
Ngunit kailan paman paghihiganti ay di ko ipaparanas sa iyo
Pagkat ako ay isang totoong tao.
"Ikaw ang araw, ako ang buwan"
TumugonBurahinNi: Angelica Evaristo
(Inspired by "Ako ang sumulat, ikaw ang pamagat")
Ikaw ang araw at ako ang buwan
Parang paborito kong storya sa aklat na nakatabi sa aking higaan
Ikaw ang simula at ako ang katapusan
Parang langit at lupa na pinapanood sa loob ng sinehan
Gusto kong iparating sayo na ako ang papel at ikaw ang panulat sa tabi nito
Sa madaling salita di ako magkakaroon ng laman hanggat wala ka dito
Tama, siguro totoo
Ikaw ang araw at ako ang buwan sa mundong to
Dahil sayo umaga ay sisimulan ng tao
Pag sumikat ka simula ng oras sa relo
Ang sikat mo ay nakakasilaw sa mata ng taong ordinaryo
Sa pagsulat ay di pa hasa
Kailan lang naman ako nagsimula
Siguradong napahilig ako sa mga tugma
Simula yan nang ako'y mapag-isa
Dahil simula ng ako'y nagsimula, iniisip ko na, kung pano ka abutin sa tabi ng bathala
Aking haring araw, maniwala ka
Simula ng naging buwan ay naging malungkot ako
Aking buhay punong puno ng dilim sa paligid ko
Nawalan ng gana na parang nawala lahat ng laman loob ko
Para akong bahay na nanakawan dahil di nakakandado
Importante ka sa buhay ko
Parang ilaw na walang kuryente sa bahay na meron ako
Pagmamahal ko ay ganyan
Parang kape't tinapay sa umagahan
Ako ang komedyante para iyong pagtawanan
Sa relasyon nating napupuno ng kalungkutan
Pagmamahal natin ay lubid na hindi mapuputol
Dahil mahigpit ang pagka buhol-buhol
Ako ang magsisilbing tubig sa bigas
Para may makain sa tamang oras
Ako ang magsisilbing balot at gatas
Pampatibay ng relasyon na parang naagnas
Gustong gusto kita abutin aking irog
Sa mundo natin na paikot ikot dahil bilog
Ako ay punong puno ng pag-asa
Na kahit minsan ay makakapiling ka sa tuwina
Ngunit mundo na ang gumagawa ng paraan
Para mundo natin ay di magkita sa daan
Tumataas ka at bumababa ako
Dahil ikaw ang araw at ako ang buwan dito
Hindi bat sobrang hirap?
Na minsan lang tayo magkatabi sa alapaap
Sa tuwing paglubog mo ako ay nakasulyap
Ninanamnaman ang bawat segundo na makita ang aking pangarap
Sa tuwing ako naman ang nasa taas
Para bigyan liwanag ang tinatahak nilang landas
Di ko maiwasan maramdaman ang piling ng nagiisa
Dahil ako'y nasa dilim at nanlalamig pa
Di gaya ng mga letra sa aking mga tula
Oras natin minsang lang magiging magkatugma
At totoo
Baka di ka maniwala sa mga sinasabi ko
Dahil lahat ng yan ay imposible kung di naman ako ang yong gusto
At siguro
Napapatanong ka na sa isip mo
Bat ang haring araw at ang buwan ang napili ko
Para ihalintulad kung anong meron tayo
Pag binasa mo ng taos puso ang isinulat ko
Masasagot ang mga nabuong tanong sa isip mo
Ipapamukha ko ng paulit paulit
Na ang pagsasama nating dalawa ay di ko pwedeng ipilit
Dahil ikaw ang araw at ako ang buwan
Ang paglubog mo ay siyang pagpunta ko sa kataas taasan
Ikaw ang araw at ako ang buwan
Na kahit kailan ay minsan lang mapagbibigyan
Ako'y handang maghitay kahit ilang taon pa yan
Dahil ikaw ang araw at ako ang buwan