Miyerkules, Marso 8, 2017

"SANA"

By: Razel Luarez
Sana,
Salitang laging laman ng mapaglarong utak
Na minsan gusto kong isaksak sa lumilipad kong utak
Na kailanman hindi na maibabalik pa ang dating relasyong nawasak.
Saksi ang kalangitan
Sa pangakong walang katapusan
At pag-ibig na tela walang hanggan.
Gabi-gabi umiiyak nang malaman na ika'y nawala nalang sa isang kislap
Dahil aking napagtanto
Na wala naman talagang tayo.
Naalaala ko pa mga panahong tayo'y nagkakilala
Kasama mo mga kaibigan na siyang dahilan ng ating pagkakamabutihan
Hindi ko malimutan ang yong mga ngiti na nakaukit sa iyong mga labi
Tayo'y nagkasiyahan sa madilim na kalawakan
At di ko namalayan na ako pala'y nahulog na sa di malamang dahilan.
Nagdaan ang araw at buwan
Pinaramdam mo na mahalaga ako
Pero aking napagtanto
Na iba ang mahalaga sa salitang mahal kita.
Lumabas man mula sa yong bibig
Mga salitang gusto kong marinig mula sa kaibuturan nang iyong dibdib,
Mahal kita,
Pero bakit biglang nag-iba?
May iba naba?
Ayoko sanang magduda
Pero ang isip at puso ko'y nagpoprotesta.
Akoy iyong iniwan sa gitna ng malawak na bundok na puno ng katanungan
Nakabitin sa mundo ng kawalan
Wasak at umiiyak
Di malaman kung san mahahanap ang mga sagot
Sa nagwawala kong puso't utak
Nasan kana?
Sana nandito ka.
Dahil pipiliin ko parin marinig
ang salitang noo'y laging bukambibig.
Sana,
Sana Mahal mo pa ako
Sana ako parin ang laman ng puso't isip mo
Na sana kahit busy ka
Sa pag-aaral man o sa mahal mong pamilya
Maalala mo na may isang babaeng nagmahal sayo
Babaeng kahit nasasaktan sa di mo pagpaparamdam
Kasi Nandito parin ako
Umaasa at nagmamahal sayo.
Pero akala ko ang salitang sana ay di na maiwawaglit pa
Kasi hinintay ko na sana masambit mo
Ang salitang mahal mo parin ako
Nong binigyan tayo ng pagkakataon na magkausap sa konting panahon
Pero nasambit mo lang
"Pinaasa ba kita?"
Di ko akalain na ganon lang pala para sayo ating mga alaala
Nawala na parang bula
Natangay na pala nang hangin
At di ko na kaya pang hanapin.
Gusto kung itanong sayo
Pero natatakot ako sa kung anomang sagot mo
Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko
Pero di ko masumbat
kasi ayoko magkaron ka rin ng sugat,
Sugat na inukit mo sa marupok kong puso.
Napagod nako
Kakahintay sayo
Na sana andito ka sa piling ko.
Pero kung maibabalik ko lang sana
Mga panahon na tayo'y nagkilala
Di na sana tayo pinagtagpo ng mapaglarong tadhana
Para di na naranasan ang pait ng pag ibig
Na kailanman di ko ninais mabatid.
Pero ako parin ay nagpapasalamat
Sa pag-ibig na minsa'y nadama
Sa piling ng bawat isa.
Ngunit ako'y may isang hiling
Na sa muli nating pagkikita
Masaya ka na
Sa piling nang taong magpapadama sayo na ika'y mahalaga
At kontento sa kilos at salitang mahal kita.
#PlagiarismIsACrime
-Please share if nagustuhan niyo.

Salamat at Paalam

By: Juliene Nicole Cabatic
Salamat.
Salamat sa mga araw na kahit hindi tayo, ay naranasan kong maging kampante sa piling mo.
Salamat.
Salamat sa mga oras na pinaparamdam mo saking hindi ako nagiisa, kahit ang sakit sakit na.
Salamat sa mga abiso mo sakin tungkol sa kaibigan, pamilya, at kung ano ano pa—
Bakit hindi mo ko abisuhan tungkol sa "tayong dalawa"?
Oo nga pala, sino nga ba naman ako para maghangad
ng isang bagay na ipinagkakait ko sa iba?
Sa isang bagay na paulit ulit kong tinanggihan pag nagmumula sa iba—at hindi sayo.
Sayo na paulit ulit kong inaasahan.
Sayo na nakadepende ang aking kaligayahan.
Sayo, sa atin, sa tayong dalawa.
Sa tayong dalawa na hanggang imahinasyon ko lang pala talaga.
Hindi na ko nagpaka Maria Clara nung umamin ako sayo
Ngunit ano ang sabi mo? "Mas masaya tayo ng ganito"
Hindi ko na pinilit, dahil ayoko nang makasakit
Mas mabuti na siguro na ako yung nasasaktan kesa sa mga taong wala namang kinalaman sa "tayo"
Sa "tayong dalawa" na lagi kong pinipinta sa aking isip, sa aking puso.
Sa "tayong dalawa" na nagbibigay saysay sa magulo at napakadilim kong buhay.
Sa "tayong dalawa" na nakakapagpaniwala sakin na masakit umasa.
Sa "tayong dalawa" na unti-unting sumira sa aking mga pangarap.
Pasensya.
Pasensya na dahil ginawa kitang mundo at hindi na tao.
Pasenya dahil ibinuhos ko ang buong buhay ko para lang ikaw ay mabuo.
Pasensya dahil hindi ko na kayang ipaglaban ang pagmamahal ko sayo at pasensya,
kung susuko na ko sa labanang ito.
Hindi ko lubos inasahan na darating tayo sa puntong ito.
Ikaw, ako, ngunit walang "tayo"
Ikaw,
Ako,
na bumuo at sumira sa buhay ko.
Tayo na hindi maaaring mangyari.
Tayong nawala na nang pagasa.
Ako na binubuo ang sarili ng wala ka,
Ako na kinukumbinse ang sarili araw araw na okay na,
at Ikaw.
Ikaw na hindi iniinda ang sakit.
Ikaw,
ikaw na masaya na sa piling ng iba.

"PAGSUKO "

By : Angelyn Ponce
Kaliwa kanan, kanan kaliwa
Maraming beses na akong nagtangka
Di malaman kung sadyang lampa o tanga
Heto at paulit ulit na nadarapa
Isang araw ay napagod ako
Bakit ko ba ipipilit ang pagtakbo?
Kung pwede naming tumigil at umupo
Umupo at maghintay
Kung tutuloy o susuko
Tumigil ako
Tumigil ako sa paghabol sayo
Nagpahinga at humiga
At di nagtagal ay nakatulog na pala ako
Nakatulog ang pusong pagod
Nang maghintay at umasa
Pumikit ang mga matang
Sawa nang lumuha
At sa pagmulat ko
Ay unti unting natuyo
Ang mga pisngi ko na noon
Ay basa sa pagluha ko sayo
Sa paggising ko ay nagising na din ang puso ko
Na kasabay ng pagtigil ko sa pagtakbo
Tumigil na rin ang pagdurugo nito
Hindi ko inakala na sa pagpreno ko
Mapapawi ang sakit sa pusong ito
Hindi ko namalayan na sa pamamahinga ko
mula sa pagtakbo
Ay mas minahal ko na ang sarili ko
At sa pagtigil ko
Nais kong sabihin sayo
Salamat mahal ko,
Pero suko na ako.

"WALA NGA PALANG TAYO."

 -John Daniella Unabia Aguas
Ako yung taong umibig ngunit muling nabigo
Ang galing ng tadhana no?
Sadyang mapagbiro
Tayong dalawa'y pinagtagpo
Ngunit muli ring pinaglayo.
Pinaglayo dahil hindi tayo nararapat
Hindi pa nga ba sapat?
Lahat binigay ko
Pero anong ginawa mo?
Lahat nang ito sinayang mo.
Hindi mo manlang inisip yung halaga ko
Kahit isang araw lang sana pinadama mo
Sinabi mong MAHAL MO AKO.
Pero bakit ganito?
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako
Nag-iisang nagmamahal sa relasyong ito
Ay wala nga palang tayo
Nag-assume lang talaga ko
Bakit naman ksi kung kelan nahulog na ako
Tsaka ka pa naglaho
Nawala na parang walang nangyari
Bakit ganon? Hindi ko mawari.
Alam kong tanga ako
Nahulog ba naman ako sa katulad mo
Akalain mo?
Yung taong pinanakip butas lang ako
Ginawa ko siyang mundo.
Ang galing mo sa mga matatamis at mabubulaklak na salita
Ako naman tong si tanga nagustuhan kang bigla
bakit kasi ako?
Hindi ba't nananahimik ako?
Bigla kang nanggulo
Ginulo mo ang nananahimik kong mundo
Mundo kong hindi naman dapat naikot sayo
Pero ano pa bang magagawa ko?
Nangyari na
May nahulog na...
Sinabi mo saking "Mahal,mahal kita."
Hindi ako nagdalawang isip na sabihing "mahal din kita."
Nagkamali ako
Siya pa din pala yung mahal mo
Kahit binitawan mo ang katagang yan
Ang hirap paniwalaan
Dahil ako yung nakakasama mo
Pero siya yung nasa puso't isipan mo
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko
Ngunit di ko inaasahang ikaw din pala ang magtatangal nito
Kung iisipin ang sakit sakit na
Pero andito pa din ako mahal,inaantay ka.
Kahit alam kong mas lamang ang posibilidad na "WALA NA." kaysa sa "MERON PA."
Alam kong masaya ka na sa kanya
Ngayon natuto na kong magparaya
Alam mo yung masakit don?
Nagparaya ako kahit alam kong WALANG TAYO.
Nagmomove on ako kahit WALANG TAYO
Iiyak ako kahit WALANG TAYO
Magdradrama ako kahit WALANG TAYO.
Ang sakit no?
Pero yun ang katotohanan
Na kailanman,
Hindi na mabibigyan ng kahulugan
Salamat sa mga araw na pinasaya mo ako
Kahit papano nalibang ako
Alam ko din namang panlibangan lang ako
Pero ngayon natututo na ako
Pinapangako ko sa sarili ko
Hinding-hindi na ko magmamahal ng katulad mo
Ayoko ng maulit pa ang lahat ng sakit na nararamdaman ko
Sana nga kung gaano kadaling iwan ako
Ganun din sana kadaling tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman ko para sayo.
Kasi mahal,sobrang sikip
Ang sikip,sikip ng dibdib ako
Nandito padin kasi yung mga sakit na iniwan mo
Alam ko sa sarili kong
Mahahanap ko din yung lalaking magpapasaya sa akin,
Yung tipong wala pang kami
Pero kanya na kong aakinin
Ituturing niya kong prinsesa
Kahit para sayo ako'y isa lamang dukha
Balang araw ipagmamalaki niya ako
Hahawakan niya yung kamay ko sa harap ng maraming tao
Sabay sigaw ng "Eto yung mahal na mahal ko"
Tsaka niya ko hahalikan sa noo.
Para na din masabi kong
Yung taong ginagawa kong mundo
Ay eto
Yung taong ako din pala ang nagpapaikot ng kanyang mundo
Salamat sa mga aral na iniwan mo
Natauhan na ako
Natauhan sa salitang "WALANG TAYO..."
Dahil hindi ako nararapat para sayo.

"Timing"

by: Ryan Nico Hermoso Calais
Timing.
Oras.
Mabilis .Mabagal.
Hindi natin namamalayan na tapos na.
Minsan yung isang minuto ay katumbas ng isang oras. At minsan yung isang oras mabilis na lumilipas.
Hindi ba nakakatawa na kung kelan pakiramdam natin na tama na ang lahat.
Tama na yung oras.
Eksakto na ang timing.
At para satin ay ngayon na ang pagkakataon.
Pero hindi pa pala.
At nang hindi natin namamalayan.
Minsan nauuna tayo.
Madalas huli na pala ang lahat.
Yung akala natin na maayos pa eh huli na.
Yung akala natin na tamang oras, napaaga pala.
Yung akala natin na huli na ay pepwede pa pala.
At yung akala natin na pwede pa nawala na.
Kaya nga madalas tayong nagsisisi.
Na kung sana hindi ako nagmadali kasama pa sana kita.
O kung sana nagmadali ako ay may tayo na.
O kung sana naghintay ako eh baka nandito ka pa.
Na minsan napapaisip tayo na sana hindi nalang kita nakilala nung araw na yun.
Sana ibang tao nalang yun.
Para alam ko kung saan ako nagkamali.
Tapos hahanapin kita para magkasama na tayo.
Pero hindi yung ganun kadali.
Na kahit ilang beses mo tignan yang relo mo.
Na kahit magbilang ka ng bawat minuto at segundo na lumilipas.
Hindi mo na magagawang tama ang mali.
Na kahit maghintay ka magdamag.
Kahit abutin ka na ng umaga.
Kailangan mong umalis kahit na parang sandali lang ang buong magdamag.
Kasi lumagpas na ang oras nyong dalawa.
At dahil sya ay may kasama na.
Na tapos na yung oras nyong dalawa.
Siguro nga panahon mo na.
Para humanap ng iba.

"Sino nga ba ko sayo"

By: Droyd
Alam kong walang salitang tayo
Na bumubuo sa ikaw at ako
Pero nais ko lang malaman mo
Malaman mo ang halaga ko
Na kahit minsan hindi nagtanong
Nagtanong na kung anong meron tayo
Tayo na palaging naguusap oras oras
Oras na tinatanong mo lagi kung okay ba ako
Okay ba ako sa mga oras na to ?
Okay ba ako na ganito tayo?
Pero ngayon na ata ang pagkakataon
Pagkakataon na maitanong
Kung sino nga ba ko sayo ?
Sayo na walang ako
O ako na walang sayo
Naguguluhan nalilito
Ano bang sinasabi ko
Alam kong malabong magkaroon ng tayo
Dahil walang lebel ang relasyong ito
Ito na walang tayo
Tayo na parang hindi aabot hanggang dulo.