Miyerkules, Marso 8, 2017

"SANA"

By: Razel Luarez
Sana,
Salitang laging laman ng mapaglarong utak
Na minsan gusto kong isaksak sa lumilipad kong utak
Na kailanman hindi na maibabalik pa ang dating relasyong nawasak.
Saksi ang kalangitan
Sa pangakong walang katapusan
At pag-ibig na tela walang hanggan.
Gabi-gabi umiiyak nang malaman na ika'y nawala nalang sa isang kislap
Dahil aking napagtanto
Na wala naman talagang tayo.
Naalaala ko pa mga panahong tayo'y nagkakilala
Kasama mo mga kaibigan na siyang dahilan ng ating pagkakamabutihan
Hindi ko malimutan ang yong mga ngiti na nakaukit sa iyong mga labi
Tayo'y nagkasiyahan sa madilim na kalawakan
At di ko namalayan na ako pala'y nahulog na sa di malamang dahilan.
Nagdaan ang araw at buwan
Pinaramdam mo na mahalaga ako
Pero aking napagtanto
Na iba ang mahalaga sa salitang mahal kita.
Lumabas man mula sa yong bibig
Mga salitang gusto kong marinig mula sa kaibuturan nang iyong dibdib,
Mahal kita,
Pero bakit biglang nag-iba?
May iba naba?
Ayoko sanang magduda
Pero ang isip at puso ko'y nagpoprotesta.
Akoy iyong iniwan sa gitna ng malawak na bundok na puno ng katanungan
Nakabitin sa mundo ng kawalan
Wasak at umiiyak
Di malaman kung san mahahanap ang mga sagot
Sa nagwawala kong puso't utak
Nasan kana?
Sana nandito ka.
Dahil pipiliin ko parin marinig
ang salitang noo'y laging bukambibig.
Sana,
Sana Mahal mo pa ako
Sana ako parin ang laman ng puso't isip mo
Na sana kahit busy ka
Sa pag-aaral man o sa mahal mong pamilya
Maalala mo na may isang babaeng nagmahal sayo
Babaeng kahit nasasaktan sa di mo pagpaparamdam
Kasi Nandito parin ako
Umaasa at nagmamahal sayo.
Pero akala ko ang salitang sana ay di na maiwawaglit pa
Kasi hinintay ko na sana masambit mo
Ang salitang mahal mo parin ako
Nong binigyan tayo ng pagkakataon na magkausap sa konting panahon
Pero nasambit mo lang
"Pinaasa ba kita?"
Di ko akalain na ganon lang pala para sayo ating mga alaala
Nawala na parang bula
Natangay na pala nang hangin
At di ko na kaya pang hanapin.
Gusto kung itanong sayo
Pero natatakot ako sa kung anomang sagot mo
Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko
Pero di ko masumbat
kasi ayoko magkaron ka rin ng sugat,
Sugat na inukit mo sa marupok kong puso.
Napagod nako
Kakahintay sayo
Na sana andito ka sa piling ko.
Pero kung maibabalik ko lang sana
Mga panahon na tayo'y nagkilala
Di na sana tayo pinagtagpo ng mapaglarong tadhana
Para di na naranasan ang pait ng pag ibig
Na kailanman di ko ninais mabatid.
Pero ako parin ay nagpapasalamat
Sa pag-ibig na minsa'y nadama
Sa piling ng bawat isa.
Ngunit ako'y may isang hiling
Na sa muli nating pagkikita
Masaya ka na
Sa piling nang taong magpapadama sayo na ika'y mahalaga
At kontento sa kilos at salitang mahal kita.
#PlagiarismIsACrime
-Please share if nagustuhan niyo.

2 komento:

  1. Ipasok ko lang po ung Piyesa ko po..sana po okay lang..Salamat..

    AKO BA O SIYA

    By A.Dwin
    Ako ba o siya?
    Yan ang laman ng isip
    Ako ba o siya?
    Sa akin bawat Pag pikit
    Ako ba o siya?
    Naaalala mo pa ba
    Panahon na tayo pang dalawa?
    Panahon na kung saan
    Tayo pang dalawa ay masaya?
    Sumumpa na walang iwanan
    Sa hirap man o sa ginhawa
    Naalala ko pa
    Tamis ng yong halik
    At mapupungay mong mata
    Naalala ko pa
    Init ng yong yakap
    Na sayo lang nadama
    Bakit biglang nag iba?
    Ikaw ba’y di na masaya?
    Nawala ang lahat
    Na para bang ito’y naging bula
    Tinapon ang pangako
    Lahat ay binasura
    Ano ba ang nagawa?
    Yan ang tanong
    Nung ikaw ay nag iba
    Ano ba ang nagawa?
    Na bakit lahat ng pinaghirapan
    Naging sayo’y balewala
    Mahal ko tanong ko sayo
    Wala na ba talaga?
    Yun bang ikaw at ako’y kumupas na?
    Na sa binuo nating pangarap
    Para sayo’y lusaw na?
    Na ang lahat ng mga bagay na iyon
    Ngayon ay magiging isa ng alaala?
    Mahal ko pakiusap
    Sa akin ay sabihin na
    Masakit nung nalaman
    Ikaw na ay may iba
    Na wala pang tatlong buwan
    Sa akin ay may pumalit na
    Na wala pang taon na wala na tayo’t
    Ikaw ngayon ay ikakasal na
    Ngayon..
    Iniisp..
    Ako ba o siya?
    Pero ngayon
    Malinaw na
    Kung sino saming dalawa
    Na ang sagot
    Sa matagal kong tanung
    Ay SIYA.

    TumugonBurahin